KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tak•síl

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglabag sa inaasahang katapatan sa asawa, kaibígan, samahán, at katulad na ugnayan.

2. Tawag din sa táong ganito.

tak•síl

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Lumabag sa inaasahang katapatan sa asawa, kaibígan, samahán, at katulad na ugnayan.
LÍLO, PALAMÁRA, SUKÁB, KUHILÂ, TRAYDÓR, HÚDAS, BALAKYÓT, KUHILÂ, LAÓNG, LINGKÁG

Paglalapi
  • • kataksilán, pagtaksíl: Pangngalan
  • • magtaksíl, pagtaksilán: Pandiwa
  • • pataksíl: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?