KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•gú•yod

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsubaybay at pagsasagawa ng anumang gawain hanggang sa matapos.
SUPÓRTA, TÚLONG

2. Paglahok sa anumang paraan upang maipagtanggol ang isang panig, magpanukala ng pagbabago, atbp.

3. Pagpapanatili ng isang tao, institusyon, atbp. sa pamamagitan ng pera.
ARUGÂ, KALINGÀ, TANGKÍLIK

Paglalapi
  • • pagtatagúyod, tagapágtagúyod: Pangngalan
  • • ipatagúyod, itagúyod, magpatagúyod, magtagúyod, maitagúyod, matagúyod, pagtaguyúrin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?