KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tad•ha•nà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pangyayari na pinaniniwalaang sadyang kahahantungan ng anuman.
Iyan ang kaloob sa iyo ng tadhanà kayâ dapat mong tanggapin.
DESTÍNO, KAPALÁRAN, SUWÉRTE

2. Kapasiyahang itinakda ng batas, panuntunan, o anumang katulad.
Alinsunod sa tadhanà ng Konstitusyon, dapat magsagawa ng mga hakbang ang pámahalaán upang linangin ang wikang Filipino.
MANDÁTO

Paglalapi
  • • pagtatadhanà: Pangngalan
  • • itadhanà, itinadhanà, magtadhanà: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?