KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•bí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paggilid.

2. Pagtatagò ng anumang bagay para sa hinaharap.
IMBÁK

3. Pagsiping o paglapit.

Paglalapi
  • • pagtatabí: Pangngalan
  • • itabí, magtabí, matabí: Pandiwa
  • • nakatabí: Pang-uri

ta•bí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayan ng pagiging malápit o diit sa anuman.
PÍLING

2. Ang dákong nása gilid o pinakamalápit.

3. Pagtúngo sa gilid upang magbigay-daan o umiwas.

Paglalapi
  • • katabí, pagtabí, pagtatabí: Pangngalan
  • • ipagtabí, itabí, magpatabí, magtabí, pagtabihín, tabihán, tumabí: Pandiwa
  • • magkatabí: Pang-uri
Idyoma
  • tabí siyá
    ➞ Daig sa kagandahan.
  • inilagáy sa isáng tabí
    ➞ Winalang halaga.
  • paupuín sa isáng tabí
    ➞ Talunin ang isang tao.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?