KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tí•pon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasáma-sáma ng mga tao, hayop, o bagay sa isang tiyak na lugar.

2. Pag-aayos ng mga bagay na nakakalat upang ilagay sa isang dáko.

3. Pagkolekta sa mga akda ng isa o higit pang awtor upang gawing maging isang babasahín.

Paglalapi
  • • katipúnan, pagkakatípon, pagtitípon: Pangngalan
  • • ipatípon, itípon, magkatípon, makatípon, mapagtípon, matípon, pagtipúnin, tipúnin: Pandiwa

ti•pón

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Napagsáma-sáma sa isang tiyak na lugar (tao, bagay, o hayop man).

2. Nakaayos at nakalagay sa isang dáko (kung sa mga bagay na unang nakakalat).

3. Kinolekta sa iisang babasahín (kung sa mga akda ng isa o higit pang awtor).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?