KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
taza
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Kasangkapang tíla maliit na mangkók at karaniwang inuman ng kape, tsaa, at tsokolate.

Paglalapi
  • • pagtatása, tasasyón: Pangngalan
  • • magtása, tasáhan: Pandiwa
  • • tasádo: Pang-uri

ta•sá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
tajar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Pagpapatulis sa dulo ng lapis.

Paglalapi
  • • pagtatasá: Pangngalan
  • • magtasá, patasahán, tasahán: Pandiwa

tá•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pamamahagi ng anuman sa paraang matipid upang magkasiya sa lahat.

tá•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Hulà o pagbuo ng idea hinggil sa kabuluhan ng isang gawain.

2. Paglalagay ng halaga sa isang bagay sa pamamagitan ng pagtatáya.

Paglalapi
  • • pagtatása: Pangngalan
  • • magtása, tasáhan, tasáhin: Pandiwa

tá•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkain batay sa itinakda para sa kalusugan o sa pagbabawas o pagdadagdag ng timbang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?