KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•nan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtakas kasáma ng kasintahan (lalo kung palihim) upang magpakasal.

2. Pag-alis ng sinuman nang lingid sa kaalaman ng kasáma.
LÁYAS

Paglalapi
  • • matanánan: Pandiwa

tá•nan

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa umalis nang palingid sa mga kasáma.
TÁKAS

Paglalapi
  • • pagtánan: Pangngalan
  • • itánan, magtánan, makatánan: Pandiwa

ta•nán

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Hiligaynón, Sebwáno, Waráy
Kahulugan

Sa kabuoan o kalahatan.
Sa tanáng búhay ko, wala pa akóng naengkuwentrong ganito.

ta•nán

Bahagi ng Pananalita
Panghalip
Kahulugan

Tingnan ang lahát

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?