KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•bas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paraan ng paggupit sa anuman (lalo na sa buhok at damo).

2. Tingnan ang itsúra

Paglalapi
  • • mananábas, pagtábas, patabasán, tabasán: Pangngalan
  • • ipanábas, magtábas, pagtabásin, panábas, patabásan, tabásan, tabásin, tumábas: Pandiwa
  • • katábas: Pang-uri
Idyoma
  • sumamâ ang tábas
    ➞ Mauwi sa masamâ ang pinag-uusapan.
  • waláng tábas
    ➞ Pangit.
  • tábas ng dilà
    ➞ Paraan o tono ng pananalita sa isang pag-uusap.
    Hindi ko gusto ang tábas ng dilà mo, bata.

ta•bás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa anumang nahugisan, naputol, o napaggupitan na.
Dinala na ang mga tabás na tela sa patahian.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?