KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sul•sól

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasábi sa kapuwa ng mga bagay na ikalalalâ ng gálit niyon sa isang kinaiinisan.

2. Pag-uudyok ng masamâ sa kapuwa.

3. Paggigiit na tanggapin ng kapuwa ang ibinibigay na anuman.

4. Pagsusuong sa apoy ng ibig sunugin.

5. Pagbabaón nang bahagya sa lupa o sa abo (kung nagtatanim ng maliit na halaman at kung nag-iihaw ng kamote sa bága).

Paglalapi
  • • manunulsól, pagsusulsól, tagasulsól: Pangngalan
  • • ipanulsól, isulsól, magpasulsól, magsulsól, manulsól, masulsulán, sinulsulán, sulsulán: Pandiwa
  • • mapanulsól : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?