KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

su•ka•tán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang bagay na ginagámit na salígan o batayán ng dami, lakí, habà (gaya ng gatang, salop, at timbángan).
BATAYÁN, SALÍGAN

su•ká•tan

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

1. Alamin ang habà, lápad, o lakí ng anuman.

2. Kunin ang súkat ng isang tao (kung tatahian ito ng damit).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?