KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

su•kát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Walang labis; hustóng-hustó; tamang-tama ang lakí o habà.

Idyoma
  • sukát ang bulsá
    ➞ Alam ang kakayahan sa pagbabayad.
    Sukát ko ang kaniyang bulsá kayâ alam kong hindi niya iyon kayang bilhin.

sú•kat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Habà, lápad, o lakí ng anuman.

2. Dami ng lamán ng anumang takalán.

3. Pag-alam kung gaano karami, kalakí, o kahabà sa pamamagitan ng takalán, panukat, o anumang maaaring magámit sa ganito.

4. Bílang ng mga pantig sa taludtod.

Paglalapi
  • • kasúkat, manunúkat, pagkakasúkat, pagsusúkat, panúkat, sukatán: Pangngalan
  • • ipanúkat, ipasúkat, isúkat, magsúkat, magsúkatan, maipasúkat, pasukátan, pasukátin, sukátan: Pandiwa
  • • panukátan, sukát: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?