KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sug•pô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Uri ng malaking hipon.

sug•pô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagpígil o paghadlang sa anumang gawaing ipinapalagay na hindi mabuti.
APULÀ, PAG-APULÀ, PAGSAWATÀ, SAWATÀ, PÍGIL, PAGTÁPOS

Paglalapi
  • • pagkakasugpô, pagsugpô, panugpô: Pangngalan
  • • masugpô, sugpuín, ipasugpô, pagsusugpuín: Pandiwa
  • • panugpô : Pang-uri

sug•pô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nása ilalim ng kapangyarihan; pigíl.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?