KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sip•síp

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pahitit na paghigop o pag-inom ng tubig, sabaw at iba pang katulad nitó.
SUPSÓP

2. Pag-ubos o pag-iga sa lamáng tubig o anumang lusaw na bagay sa pamamagitan ng panghithit.

Paglalapi
  • • pagsipsíp: Pangngalan
  • • magsipsíp, manipsíp, pasipsipín, sipsipán, sipsipín: Pandiwa

sip•síp

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tawag sa táong mapaglangis sa kaniyang ámo o kanino mang nakatataas sa kaniya.
Lubhang sipsip si Bobby sa kaniyang hepe.

Paglalapi
  • • magsipsíp, manipsíp, sumipsíp: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?