KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

í•sip

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bahaging taglay ng tao na ginagamit sa pag-unawa at pagtanda sa anumang bagay.

2. Tingnan ang baít

3. Tingnan ang opinyón

4. Tingnan ang talíno

5. Tingnan ang intensiyón

Paglalapi
  • • kaisipán, pag-iísip, pagkaísip, paláisipán : Pangngalan
  • • isípin, mag-isíp, mag-isíp-isíp, makaísip, maísip, pag-isípan, umísip: Pandiwa
  • • mapág-isíp, palaisíp, pangkaisipán: Pang-uri
Idyoma
  • búngang-ísip/katháng-ísip
    ➞ Likha ng talino.
  • ísip-lamók
    ➞ Walang talino o mahina ang pang-unawa.
  • matálas ang ísip
    ➞ Marunong, matalino.
    Matálas ang ísip ng kaniyang anak.
Tambalan
  • • abót-ísip, katháng-ísip, lamáng-ísipPangngalan
  • • bukás-ísip, ísip-batàPang-uri

sí•ping

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtabi sa paghiga o pag-upo.
PÍLING

2. Kalagayan ng dalawa o higit pang bagay na magkatabi o magkaagapay.
SIGBÁY

3. Tingnan ang pagtatálik

Paglalapi
  • • kasíping, pagsisíping, pagsíping: Pangngalan
  • • magpasíping, magsíping, pasipíngan, pasíping, sipíngan, sumíping: Pandiwa

pál•si•pi•ká

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
falsificar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tingnan ang panghuhuwád

Paglalapi
  • • magpalsipiká, palsipikahín, pinalsipiká, pumalsipiká: Pandiwa
  • • palsipikado: Pang-uri

sip•síp

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pahitit na paghigop o pag-inom ng tubig, sabaw at iba pang katulad nitó.
SUPSÓP

2. Pag-ubos o pag-iga sa lamáng tubig o anumang lusaw na bagay sa pamamagitan ng panghithit.

Paglalapi
  • • pagsipsíp: Pangngalan
  • • magsipsíp, manipsíp, pasipsipín, sipsipán, sipsipín: Pandiwa

si•pì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Isa sa magkakatulad na aklat, sulat, at iba pang katulad ng mga ito.
KÓPYA

2. Pagkopya sa bahagi o kabuoan ng isang aklat o anumang kasulatan.

3. Anumang kinopya lámang sa iba.

4. Kopya ng lathalain.
Mayroon siyang unang sipì ng Liwayway.

Paglalapi
  • • pagkasipì, pagsipì, panipì: Pangngalan
  • • ipasipì, magpasipì, magsisipì, manipì, masipì, pagsipían, sipíin, sumipì: Pandiwa
  • • sipi: Pang-uri
Tambalan
  • • karapatáng-sipìPangngalan

sí•pit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kasangkapan sa abúhan na ginagámit na pandampot ng bága.
BIGTÍNG

2. Tingnan ang ípit

3. ZOOLOHIYA Kamay ng alimango, alimasag, atbp. na karaniwang ginagámit sa pagtatanggol ng kanilang sarili.

4. Kasangkapang katulad ng tiyani.
TINÁSA

5. Tingnan ang chopstick

Paglalapi
  • • pagsípit, pangsípit, panípit : Pangngalan
  • • ipansípit, magsípit, manípit, pasipítan, sipítan, sipítin, sumípit : Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?