KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

si•bák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtaga o pagpira-piraso sa kahoy na panggatong.

2. Pagkakatilad nang katamtaman sa kahoy na panggatong.

Paglalapi
  • • pagkakasibák, pansibák: Pangngalan
  • • ipansibák, ipasibák, magsibák, masibák, nagsibák, pagsibakín, pagsisibakín, pinagsisibák, sibakín, sumibák: Pandiwa

si•bák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkatanggal sa trabaho o organisasyon.
Sino ang nag-utos na sibakín siya sa trabaho?

Paglalapi
  • • pagkakasibák: Pangngalan
  • • ipasibák, masibák, pagsibakín, pinagsisibák, sibakín, sumibák: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?