KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ser•món

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. TEOLOHIYA Talumpatì o pagpapaliwanag ng parì sa pulpito tungkol sa pangangaral ng simbahan at aral ng Panginoon.

2. Mahabang pangangaral ng magulang sa anak (lalo at malakas at paulit-ulit).
PANGÁRAL

Paglalapi
  • • pagsesérmon: Pangngalan
  • • ipasérmon, isérmon, magsérmon, nasermónan, pagsermúnin, sermúnan : Pandiwa
  • • palasermón: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?