KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•pá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Nalalabí sa pagkaing nása bibig pagkatapos na manguyang mabuti.

2. Pagnguyang mabuti sa kinakain upang makuhang lahat ang katas at ang matira na lámang ay sápal.

3. Ang natirá sa bibig matapos ngatain ang búyo.

sa•pà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

HEOGRAPIYA Maliit na ilog-ilugang kung panahon lámang ng tag-ulan matubig at kung tag-araw ay halos matuyuan.
SALUYSÓY, SÁNOG

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?