KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•nib

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkakapatong ng gilid ng dalawang bagay.

2. Pagsasáma o pag-iisa (tulad ng dalawang kapisánan).

3. Pagsapi sa anumang kilusán o samáhan.
SÁLI, SÁMA, SAPÌ

4. Ang inilalagay sa ibabaw o sa ilalim ng anuman bílang sapín o patibay.

Paglalapi
  • • pagsasánib, pagsánib: Pangngalan
  • • isánib, magkasánib, magsánib, makisánib, mapagsánib, pagsaníbin, pinagsánib, saníban, sinaníban, sumánib: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?