KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sam•páy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbibilad ng basang damit at iba pang katulad nang paalampay sa pahalang na kawad, lubid, atbp.
SÁBLAY

2. Damit o anumang nakabilad nang paalampay.
SÁBLAY

3. Hampas na pabalatay sa katawan ng tinamaan.

4. Mahabang banil o pasâ na likha ng tama ng malakas na palong bumalatay sa katawan.

Paglalapi
  • • pagsasampáy, sampáyan: Pangngalan
  • • isampáy, magsampáy, makisampáy, nagsampáy, nakisampáy, pagsampayín, pinagsampáy, pinagsampayán, sinampayán : Pandiwa
Idyoma
  • sampáy-bákod
    ➞ Pinakamababang uri ng tao o mga tao; walang kabuluhan; pinakamababang uri; hindi tunay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?