KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•mâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang hindi kanais-nais o hindi mabuti (tulad sa pakiramdam, pag-uugali, pangyayari, katangian, kalagayan, atbp.).
May kimkim na samâ ng loob si Jane sa kaniyang mga magulang.
DÁOT

2. Kapintasan sa sinuman.

Paglalapi
  • • pagsamâ, kasamaán: Pangngalan
  • • ikinasamâ, masamaín, minasamâ, napasamâ, pasamaín, pinasamâ, pinasasamâ, samaán, samaín, sumamâ, sumasamâ: Pandiwa
  • • masamâ, pasamâ, pinasásamâ: Pang-uri
Idyoma
  • samâ ng loób
    ➞ Hinanakit o galit.
  • samâ ng katawán
    ➞ Bigat ng katawan.
  • samâ ng pakiramdám
    ➞ Karamdáman.
  • samâ ng úlo
    ➞ Sumpong o init ng úlo.
Tambalan
  • • kasamáang-páladPangngalan

sá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghahalò ng isang bagay sa anuman.

2. Pagkuha sa ibang bahagi kalakip ng isa.

3. Pakikilahok sa anumang kilusan o gawain.

4. Pakikisabay sa paglakad o pagtúngo sa isang dáko.

5. Paghahatid sa kapuwa upang maging patnubay.

6. Pag-aasawa o pagpipisan ng dalawang nagkakaibigán.

Paglalapi
  • • kasamahán, kasamá, kasáma, kinakasáma, pagkakasáma, pagsasamahán, pagsasáma, pagsasáma-sáma, pagsáma, pakikisáma: Pangngalan
  • • isáma, magkasáma, magpasáma, magsáma, makasáma, makisáma, masamáhan, masáma, pagsamáhin, pasáma, samáhan, sumáma: Pandiwa
  • • pinagsamáhan, pinagsáma, pinagsáma-sáma, sáma-sáma: Pang-uri
  • • sáma-sáma: Pang-abay
Idyoma
  • sumáma sa lipád
    ➞ Nalinlang ng kalaban dahil sa mga pakitang pagkukunwari; nakiayon o nakiisa.

sa•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

KOMERSIYO Tingnan ang sósyo

Sá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANTROPOLOHIYA Mga katutubo na matatagpuan sa lalawigan ng Sulu, Tawi-tawi, Basilan, Zamboanga del Norte, Palawan, at Davao del Norte.

2. LINGGUWISTIKA Tawag sa wika nila.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?