KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sak•láw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bahaging napapaloób sa isang katakdaan.
KASÁMA, SÁKOP, LÁWAK

2. Kapangyarihan o karapatan sa pagpapasiya ng isang may kapangyarihan.

Paglalapi
  • • pagsakláw: Pangngalan
  • • saklawín, sumakláw: Pandiwa
  • • masakláw, panakláw: Pang-uri

sak•láw

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Napapaloob o nása ilalim ng isang katakdaan.
SÁKOP, KASÁMA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?