KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•gót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mga salitáng iniuukol sa isang nagtatanong.

2. Sulat na ipinadadalá sa kapuwa para sa sulat na natanggap.
PAKLÍ, TUGÓN

3. Sa pagsusulit, ang binigay o hinihingi para sa bawat aytem.

4. Pag-angkin sa anumang ginawa ng kapuwa, masamâ man o mabuti.

5. Tingnan ang solusyón

Paglalapi
  • • kasagútan, pagsagót, panagót, pananagót, pananágutan, panágutan: Pangngalan
  • • managót, ipansagót, ipasagót, magsagútan, masagót, panagután, panagutín, papanagutín, pasagutín, sagutín, sinagót, sumagót: Pandiwa
  • • pinanágután: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?