KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

su•mà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Baging (Arcangelisia flava) na may mahahabang dahon at dilaw na kahoy, at ginagamit na pamuksa ng mikrobyo.

sú•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. MATEMATIKA Pagbuo o pagsasáma-sáma ng mga numero.

2. Kabuoang bílang.
ADISYÓN

Paglalapi
  • • pagsusúma, tagasúma : Pangngalan
  • • ipasúma, magpasúma, magsúma, masúma, pagsumáhan, pagsumáhin, pasumáhin, sinúma, sumáhin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?