KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sú•hol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbibigay ng salapi o anumang mahalagang bagay sa isang alagad ng batas o may kapangyarihan upang mapawalang-saysay ang anumang paratang o sakdal lában sa kaniya.

2. Halaga o anumang bagay na ibinibigay sa kapuwa sa layong mapawalang-saysay ang anumang paratang.
LAGÁY, KALAÁWI

Paglalapi
  • • pagpapasúhol, pagsúhol, panunúhol : Pangngalan
  • • ipanúhol, magpasúhol, magsúhol, masuhúlan, pasuhúlan, pasuhúlin, suhúlan, sumúhol: Pandiwa
  • • mapagsúhol: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?