KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pú•tol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpatid sa mga bagay na katulad ng lubid, pisi, sinulid, atbp.
LAGÓT

2. Paggamit ng patalim upang alisin ang bahaging ibig ihiwalay; paghahati nang pahalang sa haba.

3. Ang bawat piraso o bahaging inihiwalay o inalis.

4. Pagbabawal o pagpapatigil sa ipinalalagay na hindi na dapat magpatuloy na gawain o proseso.

Paglalapi
  • • kapútol, pagkakapútol, pagkapútol, pagpútol: Pangngalan
  • • ipampútol, magpapútol, magpútol, mapútol, pagputól-putulín, pagputól-putúlin, pumútol, putúlan: Pandiwa
  • • papútol-pútol, putól, putól-putól: Pang-uri
  • • papútol: Pang-abay
Idyoma
  • kapútol ng púsod
    ➞ Kapatid.
    Kapútol ng púsod ko ang iyong kaibígan na si Ric.

pu•tól

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi buo, nabawasan na kung sa pisi, lubid, atbp.
LAGÓT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?