KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•sú•kan

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

1. Dalhan o bigyan ng anuman ang nása loob.
Pasúkan mo ng pagkain sa kaniyang kuwarto ang maysakit.

2. Lagyan; susugan.
Pasúkan natin ng pagbabago ang konstitusyon ng ating samahán.

pa•su•kán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bukás o nabubuksang bahagi ng isang pook na maaaring daanan upang tumúngo sa loob.
ENTRÁDA, PORTÁDA

2. Panahon ng pagsisimulâ ng klase.
Sa ikalawang linggo pa ng Hunyo ang pasukán.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?