KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•si•yá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
pas•yá
Kahulugan

1. Ang pinagtibay sa isip at kalooban na dapat gawin.
DESISYÓN

2. Hatol hinggil sa ikalulutas ng isang suliranin.
KONGKLUSYÓN

3. Napagkaisahang dapat isagawa.

Paglalapi
  • • kapasiyahán, pagpapasiyá: Pangngalan
  • • ipasiyá, magpapasiyá, magpasiyá, mapagpasiyahán, pagpasiyahán, pasiyahán: Pandiwa
  • • mapagpasiyá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?