KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•pél

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Materyales na yarî sa dayami, kahoy, o iba pang mahimaymay na kagamitan, karaniwan ay manipis na pilyégo na sinusulatan o pinaglilimbagan, ipinambabalot, ipinampapalamutì, atbp.

2. Anumang bahaging isinasagawâ ng isang gumaganap sa dulâ o iba pang palabas na itinatanghal sa madlâ.

Paglalapi
  • • isapapél, magkapapél, magpapél, papelán, pumapél: Pandiwa
  • • mapapél: Pang-uri
Idyoma
  • basâ ang papél
    ➞ Hindi na pinaniniwalaan o pinagtitiwalaan, sirâ na ang kréditó.
  • malápad ang papél
    ➞ Pinagtitiwalaan, may malaking kaugnayan o impluwensiya; kapag may pinita sa kapuwa ay hindi nabibigo.
  • sirâ ang papél
    ➞ May masamang pagkakilala sa kaniya ang iba; hindi pinagtitiwalaan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?