KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•há•yag

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasalitâ at pagsasabi ng karaniwang niloloob ng isang táo.

2. Anumang nagbibigáy-babalâ, impormasyon, o kautusang ipinaalam sa madlâ.

Paglalapi
  • • mamamahayág, pagpapahayág, pahayagán, pamahayagán, pamaháyag, pamamahayág, tagapagpahayág: Pangngalan
  • • ipahayág, magpahayág, magpapahayág: Pandiwa
  • • nagpapahayág: Pandiwa
  • • nagpapahayág: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?