KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pag•bag•sák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglaglag o paglagpak mulâ sa mataas na kinalalagyan (gaya ng dahon, ulan, atbp.).

2. Pagkahapay ng puhunan; pagkalugi.
Hindi niya inaasahan ang pagbagsák ng kanilang negosyo.

3. Hindi pagtatagumpay; hindi pagkapasa.
Ang pagbagsák sa pagsusulit ay hindi dapat ikasira ng loob.

4. Paghina.
Ang pagbagsák ng imperyo ay nagbunsod sa pagkakatatag ng bagong pamahalaan.

5. Pagsuko o pagkabihag ng kaaway.
Ang pagbagsák ng mga rebeldeng NPA ay isang pag-asa para sa kapayapaan.

6. Pagkawala ng mataas o mabuting tungkulin, puwesto, karangalan, pagkatao, atbp.
Kapabayaan sa tungkulin ang dahilan ng kaniyang pagbagsák.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?