KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•a•la•á•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang makapagpapagunitâ.
Nakalimutan niya ang kaniyang pangako kaya dapat ko siyáng padalhan ng paalaála.
PAGUNITÂ, PAUNÁ

2. Anumang kurò-kurò o palá-palagáy na ipinababatid sa kinauukulan upang magsilbing patnubay, panuto, atbp.
Nagbigay ng paalaála sa mga manlalakbay ang konduktor.
PÁYO, TAGUBÍLIN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?