KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pí•no

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
fino
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

BOTANIKA Punongkahoy (genus Pinus) na tuwid ang katawan, hindi gaanong lumalaki ang mga sanga, at karaniwang mahahabà at píno ang dahon.
Maganda ang tubò ng mga píno sa Baguio.

pí•no

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
fino
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Maliit na maliit; durog na parang pulbos.
Píno ang pagkakadurog ng paminta.

2. Hindi magaspang kung sa sinulid.

3. Tingnan ang makínis
Kay píno ng kutis ng dalagang iyan.

4. Tingnan ang magálang
Píno kung kumilos sa harap ng mga bisita si Mona.

Paglalapi
  • • magpíno, mapíno, pinúhan, pinúhin: Pandiwa
  • • mapino: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?