KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•res

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
pá•ris
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Anumang dalawang bagay na iisa ang urì na pinagbabagay upang magkasamang magamit.
Ang páres ng sapatos na binili niya ay agad na nasirà.
PARÉHA

2. Anumang bagay o bílang na nahahati nang dala-dalawa (hindi gansal).
Ang 4, 6, at 10 ay mga bílang na páres.
TUKÓL

Paglalapi
  • • kapáres, pagpapáres-páres : Pangngalan
  • • pagparésin: Pandiwa

pá•res

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Lutúing Pilipino na bákang nilagà sa toyò at ipinares sa sabaw.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?