KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

o•pis•yál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
oficial
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Táong may awtoridad o nása mataas na katungkulan sa isang pangkat (lalo na sa pámahalaán at militar).

o•pis•yál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nauukol sa isang katungkulan.
Ang Palasyo ng Malacañang ang opisyál na tiráhan ng Pangulo.

2. Sinasang-ayunan o inayos ng mga táong may awtoridad.
Magkakaroon ng opisyál na imbestigasyon sa insidente.

3. (Kung sa isang wika) itinakdang gamítin sa pámahalaán ng isang bansa para sa korespondensiya at pagsasabatas.
Mga opisyál na wika ng Pilipinas ang Filipino at Ingles.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?