KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•lig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang bátay

2. Pag-ukol nang lubos sa paniniwala sa anuman o sinuman.

Paglalapi
  • • kapanálig, pagkakasálig, pagsasálig, pananálig, panálig, salígan: Pangngalan
  • • pinagsalígan, isinálig, isálig, masálig nakasálig, nasasálig, pagsalígan: Pandiwa
  • • nasasálig: Pang-uri

sa•lí•sod

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtutulak ng anuman sa pamamagitan ng dulo ng paa o nguso ng sapatos (gaya ng mga baboy kung may sinusumbang sa lupa).

2. Pagkatangay ng anuman dahil sa pagkatisod ng dulo ng paa.

Paglalapi
  • • pagsalísod: Pangngalan
  • • ikinasalísod, masalísod, nasalísod, salisúrin, sumalísod: Pandiwa

sa•lít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Panaka-nakang paggámit o pagpapalit sa ginagámit

2. Paggámit o paghahalo ng anumang naiiba sa dati nang ginagámit.

3. Bagay na ginagámit na panghalili o pamalit upang hindi lubhang mapinsala o magasgas ang dati.

Paglalapi
  • • kasálit, pagkakasalít, pagsalít: Pangngalan
  • • ipangsalít, isalít, magsalít, masalít, salítan, sumalít: Pandiwa
  • • sálit-sálit: Pang-abay

sá•lin

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglilipat ng lamán ng anuman sa ibang sisidlan.

2. Paggawa ng bagong sipi o kopya ng isang sulat, larawan, atbp.
KÓPYA

3. LITERATURA Paglilipat sa ibang wika ng anumang kasulatan o katha.

4. Paglilipat ng tungkulin sa iba.

5. Paglilipat ng mga pasahero o kargada.

6. Endoso o paglilipat ng dokumento, komunikasyon, sirkular sa mga tanggapan.

Paglalapi
  • • pagkasálin, pagsasálin : Pangngalan
  • • ipinasálin, isinálin, isálin, magpasálin, magsálin, masalínan, masálin, nagpasálin, nagsálin, pagsalínan, salínan, sinalínan: Pandiwa

sá•liw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

MUSIKA Pagpapatugtog ng instrumento upang sumabay sa isang umaawit.
AKÓMPANYÁ

Paglalapi
  • • kasáliw, pagsáliw, pansáliw, salíwan: Pangngalan
  • • isináliw, isáliw, masaliwán, pagsalíwan, pagsalíwin, salíwan, sumáliw: Pandiwa

sa•li•mu•ót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Magulo ang pagkakaayos.

2. Mahirap maintindihan dahil nagtataglay ng marami at magkakaibang bahagi.

3. Mahirap lutasin.

Paglalapi
  • • kasalimuotán, pagkamasalimuót : Pangngalan
  • • masalimuót: Pang-uri

sa•líng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkanti o pagbunggô nang bahagya sa anuman.
SAGÌ, SANGGÎ

2. Tingnan ang ungkát

Paglalapi
  • • pagkasalíng: Pangngalan
  • • masalíng, salingín, salíngan: Pandiwa

sa•li•tâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. LINGGUWISTIKA Yunit ng wika na binubuo ng isa o higit pang tunog at nagtataglay ng kahulugang ipinahahayag ng isip, kilos, o damdamin (tulad ng "pagkain," "ang," "maglaro," "libro," atbp.).

2. Tingnan ang wikà

Paglalapi
  • • pagkakasalitâ, pagsasalitâ, pagsásalitáan, panalitâ, pananalitâ, salitáan: Pangngalan
  • • kásasalitâ, magsalitáan, magsalitâ, nagsalitâ, pagsalitaán, pagsalitaín, pagsasálitaín, pinagsalitaán, pinagsalitâ: Pandiwa
  • • masalitâ, pasalitâ, pinagsalitâ : Pang-uri
Idyoma
  • nagsasalitâ sa saríli
    ➞ Gumagawa ng kilos gamit lang ang bibig.
  • hindi makúha sa salitâ
    ➞ Ayaw tumanggap ng pangaral.
  • hindi nagdadalawáng salitâ
    ➞ Ibinibigay agad ang kailangan sa minsang pagsasabi.
  • kinakáin ang salitâ
    ➞ Táong hindi naninindigan sa mga ipinangako o binitawang pahayag.
  • pinagsalitaán
    ➞ Kinagalitan.
  • makakariníg ng mga salitâ
    ➞ Masesermunan, kagagalitan.
  • salitáng barberyá
    ➞ Mahalay na pangungusap; salitang magaspang at hubad sa katotohanan.

sa•li•pad•pád

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkatangay ng hangin sa anumang bagay na manipis at magaan.
LIPÁD

Paglalapi
  • • pagsalipadpád: Pangngalan
  • • salipadparín, sumalipadpád, masalipadpád: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?