KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•la•kí

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. May taglay na laking binubuo ng taas, habà, lápad, at kapal.

2. Malawak ang súkat (tulad ng malaking bakuran, bukirin, atbp.).
Malakí ang bakuran ni Romy kayâ doon ginanap ang debut ng kanilang anak na si Joan.
DAKÔ

3. Binubuo ng maraming tao (tulad ng malaking samahán, pagtitipon, atbp.)

4. Marami sa bílang o nilalaman; masaklaw.

5. May natatanging laki o lakas.
Malakí ang boses ni Joan.

6. May mataas na kalagayan o katungkulan.
DAKILÀ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?