KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•hál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pag-uukol ng tanging pag-ibig kaninuman.

Paglalapi
  • • pagmamahál : Pangngalan
  • • magmahál, magmahálan, mahalín: Pandiwa
  • • minamahál: Pang-uri

ma•hál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Mataas ang halaga o presyo

2. Tingnan ang minamahál

3. Tingnan ang mahalagá

4. Tingnan ang dakilà

Paglalapi
  • • magmahál, mahalán, mamahalán, mámahálin: Pandiwa
Idyoma
  • mahál na táo
    ➞ Táong búhat sa marangal na angkan; maginoo.
    Isang tunay na mahál na táo sa ayos at pangungusap ang aking nakausap.
  • mahál na ugalì
    ➞ Maganda at mabuti ang kalooban.
    Namana niya ang mahál na ugalì ng kaniyang magulang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?