KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•á•ga

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Una sa takdang panahon.
Maága si Gina sa pagsumite ng test paper.

2. Tingnan ang nauuná
Siyá ang maágang tinawag ng teller sa bángko.

ma•á•ga

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Gawin nang una sa inaasahan o karaniwang oras.
Maágang matatapos ang eksamen kung nakahanda ang mga mág-aarál.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?