KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lu•wás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbiyahe túngo sa lungsod mula sa lalawigan.

2. Pagdadalá ng mga kalakal sa ibang bayan o bansa.

3. Tawag din sa mga kalakal na ito.

Paglalapi
  • • kaluwásan, pagluluwás, tagapagluwás: Pangngalan
  • • iluwás, lumuwás, luwasán, magluwás: Pandiwa
Idyoma
  • luwás at hulò
    ➞ Ang punò at dulo ng isang pangungusap, salitáan, atbp.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?