KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•pád

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kakayahan o paraan na makapaglakbay sa papawirin ng mga bagay o hayop na may pakpak (tulad ng ibon, eroplano, saranggola, atbp.).

Paglalapi
  • • paglipád, pálipáran: Pangngalan
  • • ilipád, liparín, lumipád, magpalipád, paliparín: Pandiwa
Idyoma
  • sumáma sa lipád
    ➞ Nalinlang ng kalaban dahil sa mga pakitang pagkukunwari; nakiayon o nakiisa.
  • mataás ang lipád
    ➞ Mataas ang pangarap sa búhay; mayabang.

li•pád

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nadalá o natangay ng hangin sa ibang dáko.
Lipád ang bubong ng bahay sa lakas ng hangin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?