KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•ngut•ngót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
ya•ngut•ngót
Kahulugan

1. Tunog ng kinakagat na bagay na malutóng, nginunguya, o pinipiraso.
Naiirita akó sa langutngót ng kinakain niyang balát ng letson.
LANGASNGÁS, LANGISNGÍS

2. Tunog ng nagtatagis na mga ngipin kung natutulog.
NGALITNGÍT

Paglalapi
  • • lumangutngót: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?