KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•kò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtitinda ng anuman sa pamamagitan ng paglakád-lakád o bahay-bahay na pag-aalok ng paninda.

2. Panindang ipinagbibili sa ganoong paraán.

Paglalapi
  • • maglalakò, manlalakò, paglalakò, tagapaglakò: Pangngalan
  • • ilakò, lakuán, maglakò: Pandiwa
Idyoma
  • paglakuán
    ➞ Pagsinungalingan; paghambugan.
    Malamang paglakuán ka ni Job tungkol sa umano’y mamaháling kotse niya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?