KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•go

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglikom o pagkuha nang marami.
BÚLTO

2. Buong piraso o piyesa (tulad ng isang rolyo ng téla).

3. Buong habà.

4. Tingnan ang kabuoán

Paglalapi
  • • lagúhin: Pandiwa

la•gô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Dami, kapal, o unlad ng anuman.
YÁBONG, TUBÒ, LÁBAY, YAMUNGMÓNG

Paglalapi
  • • kalaguán, paglagô: Pangngalan
  • • laguán, lumagô, magpalagô, mapalagô, palaguín: Pandiwa
  • • laguín, malagô, pinalagô: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?