KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lú•nas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. MEDISINA Anumang bagay na nagpapagalíng sa may sakít.
Gamot ang lúnas sa iyong lagnat.
REMÉDYO

2. Tingnan ang solusyón
Ano ang lúnas sa pagdarahóp ng mámamayán?

Paglalapi
  • • lumúnas, lunásan, malunásan: Pandiwa
  • • panlúnas: Pang-uri

lú•nas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. HEOGRAPIYA Kapatagan sa kailaliman.
Malinis ang lúnas ng ilog.

2. NAUTIKA Sahig o ilalim ng bangkâ.

3. Puwit ng tása at iba pang sisidlán.

Paglalapi
  • • lunásan: Pandiwa

lu•nás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Palumpong (Lunasia amara) na may putíng bulaklak, bungang muwes, at gamot sa sakít sa tiyan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?