KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kis•láp

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tama ng sinag ng araw o ng apoy sa salamin, sa tubig, at iba pang malinaw na bagay na nakalilikha ng kinang o luningning.
Magandang pagmasdan ang kisláp ng mga bituin sa gabí.
KINÁNG, KINTÁB, NINGNÍNG, DIKLÁP

2. Pagguhit sa papawirin o sa langit ng nakasisilaw na luningning tulad ng kidlat.

Paglalapi
  • • kakislapán, pagkisláp: Pangngalan
  • • kumisláp: Pandiwa
  • • makisláp, mangisláp: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?