KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ki•lá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Alam o pamilyar sa pangalan o mukhâ.
Si Anne ang kilála ko sa magkakapatid na Alonzo.

2. Pag-unawa sa anumang bagay.

Paglalapi
  • • kakilála, pagkakakilála, pagkikilála, pagkilála, pagkákakilanlán, pagpapakilála, tagapagpakilála: Pangngalan
  • • kilalánin, kinilála, kumilála, magpakilála, makilála, mangilála, mapagkilála: Pandiwa
  • • kilálang-kilála: Pang-uri

ki•la•lá

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang tanyág

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?