KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•ta•wán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kabuoan ng pisikal na bahagi ng isang tao o hayop.
LÁWAS

2. ANATOMIYA Sa tao o hayop, ang pinakamalaking bahagi ng katawan na binubuo ng dibdib, tiyan at puson, batok, likod at balakang.

3. BOTANIKA Sa punongkahoy, ang kabuoan mula sa punò hanggang sa kinahuhugpungan ng mga sanga.

4. TRANSPORTASYON Kaha o balangkas ng sasakyán.

5. Tingnan ang bangkáy
Ang katáwan ng kaniyang ina ay ililibing búkas.

Paglalapi
  • • kinatawán, pagkatawán, pangángatawán, pinakakatawán: Pangngalan
  • • katawanín, kumatawán, pangatawanán: Pandiwa
  • • pangatawanán, pangkatawán : Pang-uri
Idyoma
  • katawáng-lupà
    ➞ Kabuoan ng tao na sinasabing sa alabok nanggaling.
  • mabigát ang katawán
    ➞ May dinaramdam; may sakít; tinatamad.
  • magaán ang katawán
    ➞ Masipag; walang dinaramdam.
  • matigás ang katawán
    ➞ Tamad, batugan.
  • may katô sa katawán
    ➞ Pilyo, palabiro.
  • masamâ ang katawán
    ➞ Hindi maganda ang pakiramdam o mabigat ang katawan.
  • nagdalawáng-katawán
    ➞ Pagganap sa dalawang tungkulin o gawain.
  • nagkatawáng-táo
    ➞ Nag-anyong tao.
    Si Cristo, anak ng Diyos ay nagkatawang-tao.
  • pinangatawanán
    ➞ Tinotoo; pinag-ubusan ng kakayahan.
  • púnong-katawán
    ➞ Ang maselang bahaging nása pagitan ng mga singit ng laláki.
  • waláng katawán
    ➞ Hindi makaya ang gawain sa dami.
  • sakít ng katawán
    ➞ Pahirap sa sarili.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?