KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•la•bít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
kal•bít
Kahulugan

1. Pagsaling na pakalawit ng daliri sa sinumang ibig tawagin ang pansin.

2. Pagpindot ng gato o gatilyo ng baril.

3. Bahagyang pagbatak ng kuwerdas ng gitara, bandurya, atbp.

Paglalapi
  • • kalabítan, pagkalabít: Pangngalan
  • • kalabitín, makalabít, mangalabít: Pandiwa
  • • kálabitín: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?