KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•lá•kal

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbili nang pakyawan o tingian ng nagsisipamuhunan sa gawain o hanapbuhay na ito.

2. Mga bagay na ipinagbibili; tinda; paninda.
Maraming kalákal ang iniluluwas ng Pilipinas sa ibayong dagat.

Paglalapi
  • • kálakalán, mangángalakál, pangangalákal: Pangngalan
  • • kalakálin, kumalákal, mangalákal: Pandiwa
  • • pangkalákal: Pang-uri
Idyoma
  • kinakalákal ang katawán
    ➞ Babaeng nagbebenta ng katawan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?