KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kú•pas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkawala o pagpusyaw ng kulay.

2. Paglipas ng ganda, lakas, at kasikatan.
LÍPAS, LAÓS

Paglalapi
  • • pagkúpas, pakupás, pangungúpas: Pangngalan
  • • kinupásan, kumúpas, kupásan, mangúpas: Pandiwa
  • • kupás: Pang-uri
Idyoma
  • kinupásan na ng panahón
    ➞ Tumandang dalaga o binata.

ku•pás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nagbago, nawala o namutí ang dating kulay.

Idyoma
  • kupás na ang pigúra
    ➞ Hindi na maganda ang itsura.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Pambansang Linggo ng Kamalayán sa Panahon ang unang linggo ng Enero. Gaano ka ka maláy sa iyong panahon at paano mo ito pinahahalagahan?